Know Your Bolts: John Ferriols

Years in the PBA: 12
Joined Meralco Bolts in: 2014
Previous PBA teams: FedEx Express, Talk N’ Text Phone Pals, Alaska Aces, Barangay Ginebra Kings, Rain or Shine Elasto Painters, B-Meg Llamados, San Miguel Beermen

How did you get started with the sport of basketball?

Kinalakihan ko. Kasi yung sa family ko, parents ko, puro sila basketball. Lalo na yung mga kapatid ng daddy ko, yun yung puro basketball, mga pinsan, yan.

What is your favorite aspect of the game?

Kasi naglalaro ka ng basketball tapos kumikita ka pa eh diba? So gagalingan mo nalang diba? Para ma-achieve mo talaga yung goal mo.

And also, nag e-enjoy ka rin sa mga kaibigan, na nakaka-meet ka ng bagong friends

What does it mean to you to be playing in the PBA?

Unang una, achievement yun eh, pag nandiyan ka na sa PBA. Maraming ibang players na yun talaga yung goal nila, na maging PBA player, pero hindi nila nakukuha yun. Parang swerte na eh, na makuha ka ng team sa PBA.

What does it mean to be playing for the Meralco Bolts?

Kung wala yung Meralco, siguro  nag-retire na ako. Kasi galing akong TnT (Talk N’ Text) diba? Sabi ko sa sarili ko, baka yun na yung last team ko. Eh nabalitaan ko lumipat si Coach Norman sa Meralco, so nag try out lang ako.  Yung sa akin, kung hindi ako makuha, okay lang at least nag pa-practice ako – papawis – maintenance lang. Eh yun, kinuha ako ni Coach Norman.

Strengths you bring to the team:

Ngayon role player nalang ako sabi ni coach. So kung ano yung role ko, yun ang gagawin ko. So yung ginagawa ko mostly yung depensa. Yung opensa bonus nalang yun sa akin.

What are your expectations with the team?

Yung sa akin ah, yung mag finals talaga. Yun yung gusto ko mangyari sa Meralco – mag finals. Malay mo pag nasa finals na, mag champion. Diba hindi natin alam. Yun lang talaga yung goal.

What does it take to be a 12-year veteran in the PBA?

As a professional player, unang una yung disiplina, para tumagal ka sa trabahong ito. Kasi hindi naman ito forever eh. Kailangan tiyaga lang. Tiyaga sa practice, kasi everyday practice. Akala siguro nila basketball masarap diba, madaling trabaho ito – hindi. Kasi hindi nila alam yung everyday. Hindi nila alam na nagpa-practice kami everyday, minsan nga twice a day, minsan nga kelangan mo pang mag extra.

Leave a Reply