Know Your Power Spiker: Aby Maraño

Years Playing Volleyball: 15 years
Joined Power Spikers in: 2014
Previous teams: DLSU, Petron Blaze (Currently)

How did you get started with the sport of volleyball?

Na-encourage ako ng mga childhood friends ko. Siyempre sa village naglalaro kami ng patintero at tagu-taguan. Nung nag-highschool na, nag-upgrade kami ng mga nilalaro. Yung mga mas matatanda sa amin nasa varsity sila ng mga respective schools nila. Every afternoon, nagtatayo kami ng net. Street volleyball talaga, like naka paa lang kami, bunubuhat namin yung hollow blocks namin everyday para lang matayo namin yung net. Yung pole niya puno ng malunggay ata yun. Nag eensayo kami dun sa kalsada, nag ka calisthenics kami na naka-yapak kasi, nag-iba na yung laro namin. Summer after grade six, non-stop na yung pag-volleyball ko.

What is your favorite aspect of the game?

Iba-iba kasi yung skills ng mga players, pero kung pinagsama-sama mo, ang ganda ng galawan sa loob. Na-appreciate ko maglaro with teammates kasi nandiyan yung malasakit ka na nakikita sa kanila, hindi katulad nang ‘pag mag-isa ka – parang badminton – kapag kailangan mo ng tulong wala kang masandalan. Sa volleyball kasi, kahit saan ka tumingin, makikita mo yung teammates mo na lumalaban, tapos makikita mo yung teammates mo na gusto kang itayo kapag natumba ka – ang sarap ng feeling. And very interesting siya kasi nandun yung rally. Every after point nakkita mo yung pag-rejoice ng team, kasi talagang pinaghirapan.

What does it mean to be playing for the Power Spikers?

It’s very important. Kailangan nandiyan talaga yung spiritand heart mo to play for the company. You want to be competitive, kasi yung company mo competitive din sa ibang companies. It’s important na ma-represent ko yung company ko, katulad nung dati na nasa La Salle ako. We want to show the standard that we set. Dahil magre-reflect din yan sa standards ng kompanya.

Strengths you bring to the team:

Very competitive talaga ako ever since. Nandiyan yung mindset na ayaw ko talaga matalo. Siguro nadadala ko sa teammates ko yung pagiging aggressive ko, kung paano ako maging vocal sa court. Very important kasi yung communcation on the court, and very specific ako with that. Gusto ko talaga na kung ano maisip ko, kung ano yung strategy mai-share ko sa teammates ko. Plus, yung leadership hindi kailangan para lang sa mas matanda. For me, gusto ko yung mag-step up para matulungan din yung mga senior ko. Na at least, ma-feel nila na hindi lang sila nagdadala sa court. Kahit hindi ako talaga yung leader ng team, I see to it na nandiyan yung leadership ko. Sabi nga sa bible, ‘If you have the gift of encouragement, you should share it.’ I live by that.

What are your expectations with the team?

Mas magiging aggressive yung team namin. Last season, hindi maganda yung naging standard namin. Now, the way I see it, napakalayo ng pag-step up namin. From our first round, medyo okay naman yung performance. Coming into this next round, madami na kaming natutunan. Hopefully we’ll be more aggressive, and mabigay namin yung puso namin into every game. At sa palagay ko mas magiging close yung team, mas makikilala namin ang isa’t isa, ang strengths and weaknesses ng bawa’t isa. Mas magiging cohesive unit kami.

Leave a Reply