Know Your Power Spiker: Arriane Angustia

Years Playing Volleyball:
13
Joined Power Spikers in: 2015
Previous Teams: EAC, Air Asia, Generika, Shopinas.com (Currently)

How did you get started with the sport of volleyball?

Napagkamalan akong runner sa track and field, pero sabi ko, ‘Sa volleyball po ako.’ So yun, nag-training ako tapos naisip ko, ‘Okay ‘to ah, gusto ko ‘to ah.’ Tinuloy ko, pero naglaro din ako ng basketball. Tapos nung first year college ako, sumasali ako sa intrams, pero hindi pa ko competitive. Naging competitive nalang talaga ako nung first year ko sa FEU, Team B ako dun. Tapos pumunta ako sa Emilio Aguinaldo College, dun na ako nagtuloy-tuloy. When I graduated, nagpa-draft ako and that’s how napunta ako sa iba’t ibang commerical teams.

What is your favorite aspect of the game?

Kapag crucial and intense na yung game. Parang, dun ko napapakita yung sarili ko. Kasi yung ibang players kapag crucial na, nalilimutan na kung ano dapat ginagawa. Ako kung crucial yung game kailangan yung focus ko nandun. Gusto ko kung crucial, ‘Dito mo ibigay ang bola, ako papatay.’

What does it mean to be playing for the Meralco Power Spikers?

Actually it’s a privilege na makasama ko sila. Nakaktawa lang dahil magkalaban kami sa ibang liga pero ngayon magkakasama kami. Kapag magkakasama kami kailangan itong team na ito buo kami para marating namin yung goal namin.

Strengths you bring to the team:

Mas gusto ko yung sa depensa, sa mismong blocking area. Ayaw ko na may makakapasok sa amin na bola, na may makakabaon – yung ang lakas ng palo. Ayaw ko na mahihirapan yung teammates ko sa likod. Gusto ko kailangan pagdaan sa akin pababagalin ko muna para pagdating sa kanila hindi ganon kahirap.

What are your expectations with the team?

Siguro kailangan makapasok muna kami ng next round, tapos tsaka namin babawian yung mga hindi namin natalo. Doon na kami babawi.

Leave a Reply