Know Your Power Spiker: Faye Guevara

Years Playing Volleyball:
 5
Joined Power Spikers in: 2015
Previous teams: Adamson, PLDT, Shopinas.com (currently)

How did you get started with the sport of volleyball?

Actually, I didn’t know how to play volleyball nung highschool. Nag-try ako magvolleyball kasi yung friend ko gustong mag-tryout, siya talaga yung athlete. Yung coach nun, kinuha niya kaming dalawa at siya nagturo sa akin ng lahat tungkol sa volleyball.

What is your favorite aspect of the game?

Yung meeting friends, yung teamwork, at yung working together for a common goal. Tsaka yung pagiging masaya nung sport mismo.

What does it mean to be playing for the Meralco Power Spikers?

Since Adamson fell short last season, 7th place lang kami, na-touch ako na may nakakita ng skills ko. Nakakatouch na interesado sa akin yung Meralco, at hindi lang for sports, pati narin for work. Napakaganda na may start narin ako dito.

Strengths you bring to the team:

Kasi nung Adamson ako, nakilala ako na mayabang maglaro – yung mangasar ng kalaban. Yun yung dinadala ko dito, yung factor na yun, na mag-enjoy kami, at the same time nananalo para ganahan yung teammates. Yun yung nakakagana kapag nakitang nahihirapan ang kalaban. Tsaka, since fresh pa lang ako maglaro ng volleyball, talagang may-eagerness ako maglaro.

What are your expectations with the team?

Lahat naman ng team nagkakaroon ng mga struggles – may wins may losses. Pero yung mga talo na yun, learning experience siya. So, as the time goes by, yung mga losses na yun pinagaaralan namin kung bakit kami natalo and ma co-correct namin yun.

How has your integration into the team been?

Masaya. Masarap pakiramdam kapag ikaw yung bago kasi ikaw yung bata. Nandun yung pwede ka magkamali, at the same time na iintindihan nila, syempre baguhan ka at cino-comfort ka nila. Ang dating, parang bunso ka, so masarap sa pakiramdam.

Leave a Reply